159

Sep 11, 2021 @ 16:57
By

Duterte hinamon ng ‘laro’ ang Senado: Hanapan ng butas

Tatapatan ng Malacañang ang ginagawang pag-iingay ng Senado at pilit na paghahanap ng butas para maiugnay si Pangulong Rodrigo Duterte sa multi-bilyong kontratang nakuha ng isang Chinese firm sa gobyerno.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng pangulo na maghanapan na lamang sila ng butas ng mga senador para makita kung sino ang mayroong itinatagong anomalya.

Uumpisahan aniya nito ang paghahanap ng butas kay Senador Richard Gordon na siguradong maraming matutuklasan laban dito.

“Ganito na lang ang laro natin, you find your fault in us, and we will find what’s wrong with you. I’ll begin first with Sen. Gordon. I’m sure that I will find plenty of…basta plenty when we start with you Senator Gordon,” anang pangulo.

Binanggit ng Presidente ang pangalang Glenn Tan ng Subic na aniya ay kilalang-kilala ang senador at maraming alam tungkol sa kanya.

Bukod pa rito ang dating opisyal ng Red Cross na si Gwendolyn Pang na marami ring nalalaman umano tungkol sa senador.

“Senator Gordon, kilala mo ba itong si Glenn Tan ng Subic? Do you know him? Because he knows you very well, well enough to talk about you. Kumusta ito si Gwendolyn Pang? Pakisagot lang nitong — para maano tayo,” dagdag ng pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?