2,346

By

Duterte hiling na magka-malaria o leprosy si Daanbantayan Mayor Loot

Sharing is caring!

Matapos makalusot sa ambush, hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapitan ng sakit ang dating police general na ngayon ay alkalde na ng Daan Bantayan, Cebu na si Mayor Vicente Loot.

Si Loot ang isa sa mga police general na pinangalanan nitong sangkot sa iligal na droga sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na nagtatago na ngayon ang alkalde matapos makaligtas sa dalawang beses na pananambang.

Pero hindi aniya nito alam kung sino ang nasa likod ng ambush sa dating heneral.

Dahil dito sinabi ni Pangulong Duterte na bahala na ang Diyos na magparusa kay Loot.

Sana aniya ay magkasakit ito ng malaria o kapitan ng leprosy o ketong .

“Itong p*tang in*ng General Loot, dalawang beses in-ambush buhay pa rin ang ungas. Sabihin ko sa kanya, Diyos, ikaw na bahala niyan. Bigyan mo ‘yan malaria o leprosy putang inang yan,” ang gigil na pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na masyadong mabigat ang problema ng bansa sa ilIgal na droga kaya gagamitin niya ang natitirang taon ng kanyang termino para paigtingin ang kampanya kontra droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?