59

Nov 27, 2017 @ 18:35
By

Duterte hihirit ng special session sa Kongreso para sa BBL

Nakatakdang hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na magpatawag ng special session para matalakay at maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na naglalayong makapagtatag ng isang Bangsamoro entity sa Mindanao.

Sa kanyang talumpati kahapon sa 1st Bangsamoro Assembly sa Sultan Kudarat, Maguindanao, sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang maaksiyunan sa lalong madaling panahon ang BBL na ilang buwan ng nakatengga sa Kamara.

Bigyan aniya ng pagkakataon na mapakinggan ng kongreso ang posisyon ng ibat ibang grupo sa Minadanao gaya ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) at iba pang stakeholders at ano mang mapagkasunduan ay dapat kasama rito ang lahat ng sektor.

Tinitiyak din ni Duterte na hindi niya hahayaang magkawatak-watak ang mga Pilipino sa bubuuing Bangsamoro entity.

Aminado ang Presidente na ang isyu sa kapayapaan sa Mindanao ang isa sa pinakamahirap na hamon sa kanyang administrasyon kaya umapela ito sa sambayanan na makinig at unawain ang problemang pangkapayapaan sa buong rehiyon.

“I’d like to address myself to the nation this time. I plead to all Filipinos listening now to understand the problem and maybe, you know, just ponder on it and sleep on it tonight and maybe you’d be enlightened because of what we are now trying to solve is one of the hardest in my administration. Maybe, the hardest of them all.

But as I have promised, as the centerpiece of my election, was really the federal setup of government. And one, we are talking about now, limited to the issues — as far as I’m concerned. Actually, what is at stake here is the preservation of the Filipino Republic and to correct historical injustice, was and still is,” pahayag ng Pangulo.

Ang BBL draft na itinurn-over sa Pangulo noong buwan ng Hulyo ng Bangsamoro Transition Commission ay isinumite naman noong Setyembre sa mababang kapulungan ng Kongreso. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?