42

Dec 10, 2017 @ 20:57
By

Duterte hihirit na ng martial law extension sa Kongreso

Pormal nang hihilingin ni Pang. Rodrigo Duterte sa dalawang kapulungan ng kongreso ang pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, sinabi ni Executive Sec. Salvador Medialdea na isusumite bukas (Lunes) sa Senado at Kamara ang liham ng pangulo para sa extension ng batas militar.

Ayon kay Fariñas, gaya sa naunang procedure, mangangailangan ito nang pag-apruba ng Kongreso sa pamamagitan ng joint session.

Hindi pa masabi ng majority leader kung kailan ito mangyayari dahil kailangan pa aniya nilang talakayin sa kanilang counterparts sa Senado.

Una rito, inirekomenda ng AFP at PNP ang isang taong extension ng martial law sa Mindanao.

Dati nang pinalawig ng Kongreso ang batas militar na unang idineklara ni Duterte noong Mayo dahil sa pag-atake ng teroristang Maute sa Marawi City, pero magtatapos na ito ngayong Disyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?