By

Duterte, hihingi ng tulong kay Misuari sa dinukot na 2 pulis ng Abu Sayyaf

Sharing is caring!

Magpapasaklolo si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari para mabawi ang dalawang babaeng pulis na dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na may mga presensiya pa ang MNLF sa Sulu kaya posibleng makatulong ang mga ito para mapalaya ang dalawang pulis na hawak ng bandidong grupo.

“We all know that the MNLF still has the presence in Sulu, so I think the President would want the MNLF to assist in the recovery of these two hostage victims,” ani Roque.

Kaugnay naman sa hinihingi ng mga bandido na P5 milyon kapalit ng kalayaan ng dalawang bihag, sinabi ni Roque na may polisiya ang gobyerno na hindi magbabayad ng ransom sa mga terorista.

“As far as I know we don’t pay ransom,” dagdag pa ni Roque.

Hindi aniya magpapadala ang gobyerno sa pressure ng Abu Sayyaf Group, kagaya ng pinanindigan ng gobyerno sa mga nakalipas na insidente ng kidnapping sa balwarte ng mga bandido.

Ang dalawang pulis ay kasama sa apat na binihag ng mga bandido sa Patikul, Sulu noong Abril 29, 2018.

Kinilala ang mga dinukot na sina PO2 Benirose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?