113

Feb 26, 2019 @ 15:16
By

Duterte: Hayaang magpakasal ang mga pari, kahit sa same sex

Para matapos na umano ang sexual abuse sa mga bata na kagagawan ng mga miyembro ng Simbahan, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ay dapat na payagan nang magpakasal ang mga pari, kahit na sa same sex.

Sa isang statement sinabi ng Pangulo na ang naganap na Vatican summit on clerical sexual abuse at patunay na may katotohanan sa likod ng mga pag-atake niya sa mga pari at Obispo.

“There are thousands of abuses that were not corrected by the Church,” saad nito sa isang speech sa Cebu City nitong Linggo, Pebrero 24 ng gabi.

“For me, it would be better to allow priests to marry,” suhestiyon ng Pangulo.

“If the priest is gay, then he should still be allowed to engage in same-sex marriage. That’s the solution to the problem,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?