125

Oct 19, 2019 @ 16:30
By

Duterte hawak na ang report ng Senado sa ninja cops

Nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kopya ng Senate Blue Ribbon report kaugnay sa imbestigasyon sa tinaguriang “ninja cops” sa Philippine National Police.

Sa isang panayam sa Malacañang, sinabi ni Senador Bong Go na siya mismo ang nagbigay sa Pangulo ng kopya ng report at rekomendasyon ng komiteng hawak ni Senador Richard Gordon.

Mayroon aniya siyang kopya dahil miyembro siya ng Senate Blue Ribbon Committee na siyang nag-imbestiga sa isyu ng mga ninja cop.

“Personal kong inihatid kay Presidente ang kopya dahil bilang miyembro ng Senate Blue Ribbon Commitee ay mayroon din akong kopya,” ani Go.

Matatandaang sinabi ng Pangulo na ibibigay niya kay Department of Interior and Local Government Secrtary Eduardo Año ang anumang rekomendasyon ng S
Senado para pag-aralan nito at kung anumang magiging hatol ay siyang susundin laban sa mga inaakusahan sa sindikato ng recycling ng iligal na droga.

Sinasangkot sa sindikato ng ninja cops si resigned PNP Chief Oscar Albayalde na mariin namang tumanggi.

Batay sa rekomendasyon ng komite, nakitaan umano ng paglabag si Albayalde kaya dapat kasuhan sa korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?