By

Duterte, handang mag-resign kung makakabuo ng bagong Konstitusyon

Sharing is caring!

Handang bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang taon kung makabuo ang Kongreso ng bagong Konstitusyon na angkop sa buhay ng mga Pilipino at magtatama sa mga maling gawain sa gobyerno.

Sinabi ng Pangulo sa Anti-Corruption Summit sa Pasay City na wala na ang Constitutional Convention bagkus ay gumawa na lang ng bago at aprubahan.

Kapag aniya nagawa ito ay magre-resign siya sa pagtatapos ng taon.

“I will make a deal. If Congress and the entire Filipino people. We craft a new Constitution, pati ako sasali. I will put my input there and when it is really a Constitution that would suit our way of life and correct the evil things there, I will tender my resignation. ‘Yan ang deal ko sa opposition, pati lahat kayo,” ang pahayag ng Pangulo.

Kapag aniya nagawa ito sa pagtatapos ng taon, sinabi ng Presidente na ito na rin ang hudyat ng pagtatapos ng kanyang political career.

Hinamon ni Pangulong Duterte ang lahat na magbuo ng bagong Constitution na gagarantiyang ang pera ng taumbayan ay gagamitin para sa mga pangunahing serbisyo ng mamamayan.

Hindi aniya siya manghihinayang mawala sa puwesto dahil may edad na ito bukod pa sa may dinaramdam siyang Berger’s disease at iba pang may kinalaman sa paninigarilyo.

“When its done at the end of the year, then it is the end of my political career. So what…what’s wrong with that? I dare everybody…or if you..any mechanism, as long as we come up with a Constitution that would guarantee first that the money of the people should go to serve the people,” dagdag pa ng Presidente. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?