50

Oct 16, 2017 @ 17:46

Duterte handa sa buwelta ng mga business tycoons

Hindi natatakot si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na gantihan siya ng  mga  negosyanteng  siningil  niya  ng  malaki dahil sa hindi pagbabayad ng  kanilang  atraso sa  gobyerno ng  matagal na  panahon.

Sa  harap na  rin ito ng  ulat  na  kasama  umano ang  ilang  mayayamang  negosyanteng  hinabol sa  kanilang  buwis  sa  mga nagpopondo  para  ibagsak ang  gobyerno.

Ayon sa  Pangulo, handa  siyang  mamatay  para sa bansa  at   hindi siya  magtataka  kung  pagplanuhan ang  asasinasyon nito.

Pero titiyakin nitong na  hindi magtatagumpay ang  destabilisasyon dahil kapag  maramdamang  tagilid  ang  gobyerrno ay agad  itong  magdedeklara  ng  revolutionary government.

“I am ready to die for my country. Kung patayin nila ako dito sa opisina, okay lang. Assassinate ako nila, okay lang.  Pero kung makita ko, sabi ko, ‘yung mag — bayan ko na magti-tilt into chaos at ma-destabilize talaga, mag-declare na nga ako ng revolutionary government,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang bukod sa  Mighty King ay  nagbayad  din ng mahigit anim na  bilyong  piso sa gobyerno si business  tycoon Lucio Tan dahil sa  hindi pagbabayad ng  buwis ng  matagal na  panahon.

Binalaan  naman  ng  Presidente na  ipapaaresto at ipakukulong  ang  mga  magtatangkang  magpabagsak sa  gobyerno kasama  na  dito ang Communist Party of the Philippines.

 “You can start to criticize, but just remember, pag nag — gumanon ito, the shift of state tilts or tilting, I won’t have the qualms.  I was elected by the people. And if I sense that the country is about to go overboard, I will declare revolutionary government,” sabi ng Pangulo.

“Hindi ko kayo tinatakot pero huhulihin ko kayo lahat, and I will declare a full-scale war against the New People’s Army.  At lahat sila, walang kulungan. Diyan sila sa Luneta magtindig lahat,” dagdag pa nito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?