4

Sep 16, 2020 @ 15:31
By

Duterte hahatulan bawas-distansya policy

Sabi ng Palasyo, posibleng ngayong araw na pagdesisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapapatupad pa lang na polisiya na iklian ang distansya sa pagitan ng mga pasahero ng public utility vehicles (PUV).

“I think the President will decide no later than tomorrow,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa CNN-Philippines ngayong Miyerkoles.

“Until the President revokes it, I think it will be implemented,” aniya pa.

Sabi ni Roque, may nabuong rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kay Duterte matapos ang 6-oras na diskusyon kahapon.

Nanindigan sina Interior Secretary Eduardo Año at Health Secretary Francisco Duque III na dapat isang metro ang social distancing sa mass transport laban sa nakahahawang sakit na COVID-19.

Samantala, nakasaad sa 69th IATF Minutes of the Meeting na sinuportahan nina Trade Secretary Ramon Lopez, Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, at Social Welfare Secretary Rolando Joselito Delizo Bautista ang proposal ng Department of Transportation na bawasan ang distansya sa pagitan ng mga pasahero sa mass transport kada 2 linggo, mula sa .75 metro ngayong linggo.

Ang polisiya ay may hangarin na paramihin ang rider capacity ng mass transport habang may anti-COVID-19 quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?