17

Sep 8, 2021 @ 17:18
By

Duterte haharap sa publiko 2 beses sa isang linggo

Gagawin ng dalawang beses isang linggo ang Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte para ibalita sa publiko ang mga kaganapan at mga ginagawa ng gobyerno lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi ng pangulo na sa ganitong paraan ay malaman ng taong bayan kung saan ginagamit at napupunta ang pera sa ginagawang pagtugon sa problema sa COVID-19 pandemic.

“We will report to you twice a week and we will account every money na ginagastos ng gobyerno para sa taong bayan. Itong program na Talk to the People will be for twice a week para you will be updated,” anang pangulo.

Mahalaga aniyang sagutin ng ehekutibo ang pag-iingay ng Kongreso dahil sila ang ginagawang sangkalan para sa exposure ng ilang senador sa darating na eleksyon.

“Alam mo pag hindi namin sinagot yan,…alam ko kayo hindi na masyadong bilib diyan sa Congress. Ano lang yan, mag-iingay lang pag eleksyon na because they want exposure pero at the expense sa amin,” dagdag ng pangulo.

Tahimik aniyang nagtatrabaho ang mga nasa ehekutibo pero hindi ibig sabihin ay hindi na sila kikibo lalo na kung maaapektuhan ang kanilang pamilya at mga anak.

“When we come here to answer then, we answer them with the truth. Wala kaming obligasyon na magsinungaling. Sabihin lang namin yung totoo,” wika ng pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?