113
rodrigo-duterte
By

Duterte haharang sa prangkisa ng ABS-CBN: Mga mukhang pera!

Sharing is caring!

Hindi makakaasa ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN dahil kokontrahin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga Ati sa isla ng Boracay ngayong gabi.

Sinabi ng Pangulo na haharangin niya ang hirit na renewal sa prangkisa ng ABS-CBN dahil sa pagiging estapador at pagiging bias umano sa kanilang report.

“ABS-CBN ‘yan pera -pera lang ‘yan. Niloko ninyo kami. Kaya kayo hindi ko kayo palusutin. ‘Yung franchise ninyo matatapos, kasi ako talaga mag-object na ma-renew kayo. Alam n’yo kung bakit, magnanakaw kayo, estapador. Ginawa ninyo sa amin, marami kami. Mukha kayong pera lahat. mga P******i** kayo lahat,” anang Pangulo.

Nag-ugat ang galit ng Presidente sa campaign ads nito na binayaran niya ng dalawang milyong piso subalit hindi ginamit , at sa halip ay ipinalabas ang campaign ads ni Senador Antonio Trillanes IV na may batang nagsabing “kriminal si Duterte”.

Kahit alam aniya ng mga may-ari ng ABS-CBN na bawal ipalabas ang ads na iyon ni Trillanes dahil may utos ang korte ay sumige pa rin ang TV network.

Kasalukuyang nakatengga sa committee level ng kamara ang House Bill 4349 para sa renewal ng ABS-CBN franchise na nakatakdang mapaso sa 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?