87

Nov 10, 2017 @ 12:16

Duterte gustong sampalin si UN rapporteur Callamard

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard na sasampalin niya ito kung magpapatuloy ito sa pag-imbestiga sa diumano’y extra-judicial killings sa bansa.

“Ang problema na ng Human Rights, including the United Nations at saka itong…hindi ko man memorize kasi, because I hate her. Iyong rapporteur, si… ayaw kong i-pronounce ang pangalan niya ha, basta mard,” sabi ni Duterte sa harap ng mga Filipino community sa Vietnam.

“Nagdala siya ng itim, black, doctor daw siya nagsabi siya on TV, “You know, use of drugs is harmless.” Sabi ko, pu***inang ito! Kaya sabi kokayCallamard, “kung imbestigahin mo ako, sampalin kita,” dagdag pa nito.
Paniwala nito, hindi siya makakuha ng patas na imbestigasyon kay Callamard.

”Paano! How can I get a fair hearing, if you yourself does not even read the publications of your mother organizations, the United Nations, under it, is the Human Rights Commission,” ayon pa kay Duterte.#

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?