17

Feb 2, 2021 @ 16:35
By

Duterte gustong manatili si Magalong na tracing czar

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili bilang tracing czar si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kahit pa naghain ito ng irrevocable resignation dahil sa insidente ng breach of health protocol sa kanyang lungsod.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kahit nagkamali ang alkalde nang payagang mag-party ang ilang celebrity sa Baguio City, puro pamumuri pa rin ang narinig nito mula kay Pangulong Duterte.

“I have heard with my own two ears nothing but words of praises for Mayor Magalong from the President. I am sure, hundred percent sure that the President would want Mayor Magalong to stay as a contact tracing czar,” ani Roque.

Sa isang panayam kay Magalong, inihayag nitong na bagamat nagbitiw na ito bilang tracing czar, ikokonsidera niyang manatili kung hihilingin ng Presidente.

Matatandaang umani ng batikos si Magalong sa social media matapos punahin ang birthday party ni Tim Yap sa Baguio City na hindi sumunod sa community quarantine protocols kasama ang mga bisitang celebrity.

Maging ang asawa ng alkalde ay wala ring suot na face mask na isa sa mga bisita sa party na nagbunsod kay Mayor Magalong para magbitiw bilang tracing czar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?