21

Sep 17, 2020 @ 14:16

Duterte gustong lusawin ang PhilHealth – Sotto

Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin o isapribado na lang ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa gitna ng alegasyon ng malawakang korapsyon sa ahensiya, ayon kay Senate President Tito Sotto.

Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos makipagpulong ang pangulo sa mga lider ng Kongreso noong Miyerkoles para pag-usapan ang mga panukala na puputol sa red tape at katiwalian sa gobyerno.

“He said he wanted PhilHealth abolished or privatized but I said it might be better to wait a few months and see how the new administration performs and that I have a bill making the Secretary of Finance the chair of the Board instead of the DoH (Department of Health) Secretary. He agreed to my proposal,” sabi ni Sotto.

“I explained that Philhealth is an insurance corp and not a health entity,” dagdag nito.

Sinabi pa umano ni Pangulong Duterte na ‘willing’ siyang ipatawag ng Kongreso kung kinakailangan.

“He wants to further amend the anti-red tape and ease of doing business law. In fact he is willing to be summoned if needed. I told him the better word is invite. But only if necessary,” sabi pa ng pinuno ng Senado.

Tinalakay din umano sa pagpupulong ang tungkol sa Universal Health Care at PhilHealth law.

Dahil sa alegasyon ng katiwalian, binago ang liderato ng PhilHealth kung saan itinalagani Duterte si dating National Bureau of Investigation Director Dante Gierran bilang bagong president at CEO.

Pinalitan niya si Ricardo Morales na isa sa mga inirekomendang kasuhan sa korte kaugnay ng alegasyon ng korapsyon sa state health insurer. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?