4
miss-universe

Duterte, gustong idaos ang Miss U sa Boracay – DOT

Sharing is caring!

Si Pangulong Rodrigo Duterte umano mismo ang naglutang ng idea sa pagdadaos ng Miss Universe sa isla ng Boracay Island para mapalakas ang turismo sa bansa.

Ito umano ay matapos ang anim na buwan na rehabilitasyon sa naturang isla.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, lumitaw umano ang suhestiyon ng Pangulo matapos magkaroon ng usapin hinggil sa kung paano muling ipo-promote ang Boracay matapos itong isara.

“O sige kung gusto ninyo ilagay natin ang Miss Universe dun, papuntahin natin ang Miss Universe para pag nag-open ‘yan lahat magsipuntahan,” sabi umano ng Pangulo.

Ayon kay Teo, nagresulta ng 10-11 porsiyento ng pagtaas sa tourist arrivals ang pagho-host ng bansa sa 2016 Miss Universe noong Enero 2017 kung saan ipinasa ni Pia Wurtzbach ang korona kay Iris Mittenaere.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?