3,384

Dec 18, 2017 @ 16:29

Duterte, gustong gawing legal ang same-sex marriage sa Pinas

Nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang gawing legal ang same-sex marriage o kasal ng parehong kasarian sa Pilipinas na tiyak na lilikha na naman ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng Simbahang Katoliko.

Ito ang sinabi umano ni Pangulong Duterte sa pahayag nito sa LGBT community sa Davao noong Linggo, ayon sa AFP.

“I want same-sex marriage. The problem is we’ll have to change the law. But we can change the law,” aniya na umani ng palakpakan.

“The law says marriage is a union between a man and a woman. I don’t have any problems making it marrying a man, marrying a woman or whatever is the predilection of the human being,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyang batas, iligal ang diborsiyo, abortion at same-sex marriage sa Pilipinas dahil na rin sa pagtuligsa rito ng Simbahang Katoliko.

Ngunit matapos maupo bilang Pangulo noong nakaraang taon, aktibo si Duterte sa pag-atake sa Simbahan at inakusahan pang ipokrito at pang-aabuso ang mga kaparian nito.

Sa ibang banda, isa naman ang Simbahan sa kritiko ng Duterte administration partikular na sa paglabag sa karapatang pantao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?