127
Bersyon ng Department of OFW ng DOLE ihahain ngayong buwan
Oct 14, 2019 @ 20:30
By

Duterte gusto mag-terminal leave lang si Albayalde – Bong Go

Ginusto umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-terminal leave na lang si resigned Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde at hindi magbitiw sa kanyang puwesto bago pa ang kanyang compulsory retirement sa Nobyembre 8, ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

“Not resign but terminal leave lang muna,” pahayag ni Go nang tanungin kung hiniling ni Duterte na magbitiw sa kanyang puwesto si Albayalde.

Bago ang pagbibitiw ni Albayalde, ayon kay Go, kinausap umano ni Interior Secretary Eduardo Año ang Pangulo kasunod ng cabinet meeting na natapos ng alas-2:00 ng umaga noong Sabado.

“Kinausap po ni Secretary Año si Pangulong Duterte Friday night or madaling-araw na ng Sabado, about 2 a.m. na po ‘yun ng umaga,” sabi ni Go sa panayam ng mga reporter.

“Masinsinang kinausap ni Secretary Año si Pangulo kung ano po ba ang direksyon o kung ano ang makakabuti sa organisasyon (PNP),” dagdag pa nito.

Hindi umano nagkausap sina Duterte at Albayalde, sa halip, si Año ang kumausap sa dating PNP chief noong Sabado.

“Nung Sabado po ay nagkausap si Secretary Año at General Albayalde at kahapon po ay pinadala ‘yung sulat sa Malacañang even on Sunday at nakarating po kay Pangulong Duterte kagabi ‘yung endorsement letter ni Secretary Año based dun sa sulat na pinadala ni Gen. Albayalde,” sabi ni Go.

“‘Yung relinquish ng kanyang post as chief PNP until his compulsory retirement on Nov. 8 and to give the President a free hand or time na pumili ng kanyang magiging bagong chief PNP,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Go, nakapagdesisyon na umanong magbitiw si Albayalde bago pa man siya kausapin ni Año.

“Ang sabi ni Sec. Año ay ‘yun rin po ang planong desisyon ni General Albayalde (mag-resign) even prior to their meeting. Parang nag-isa po ang kanilang naging desisyon at ‘yung kay Pangulo naman ay gusto niya makapagtrabaho ang ating mga kapulisan,” ani Go.

Nang tanungin kung ano ang pinag-usapan sa pagitan nina Duterte at Año, sinabi ng senador na tungkol iyon sa kung ano ang makakabuti sa lahat.

“Siguro to advice to leave na lang muna. Leave his, ibig sabihin…not early retirement kasi ang retirement ni Albayalde is Nov 8. Iba ‘yung nag-resign na agad siya at umalis sa puwesto. We can call that as terminal leave,” ayon kay Go.

“’Yun po ang advice, terminal leave ibig sabihin mag-leave ka na until you step down on the date of your retirement,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?