casilao
By

Duterte gov’t nakakompromiso sa malaking pautang ng China – Casilao

Sharing is caring!

Inihayag ni Anakpawis Rep. Ariel ‘Ka Ayik’ Casilao, na kaya mainit ang pagtanggap at tila hinahayaan lang ng gobyernong Duterte ang reclamation at pagtatayo ng pasilidad ng Chinese military sa South China Sea ay dahil sa pautang ng mga Intsik na magpopondo sa mga mega infrastructure project sa ilalim ng “Build, Build, Build” program.

“In the name of its ambitious mega-infra projects, the Duterte government is selling our islands like hot cakes to the Chinese gov’t to the tune of $167 billion and could balloon to $452 billion based on the pronouncements by Budget Secretary Benjamin Diokno last year. No wonder the Palace is not interested to enforce the tribunal decision as well as to condemn the continuing military build-up in the West Philippine Sea which the most recent was in the Kagitingan Reef also known as the Fiery Cross Reef,” pahayag ni Casilao. 

Inayunan din ng Anakpawis solon ang isinusulong ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na itaguyod ang desisyon ng international tribunal na nagpapawalang-bisa sa 9-dash line claim ng China.

“These set of islands in the WPS (West Philippine Sea) are clearly under our territory, we should assert our rights to use it freely, in our own term without external intervention and mostly hinders to harvest its resources,” giit pa ni Casilao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?