5,609
Duterte, Gordon minura ng netizen dahil sa ‘world record’ na plaka ng motorsiklo
By

Duterte, Gordon minura ng netizen dahil sa ‘world record’ na plaka ng motorsiklo

Hawak na umano ng Pilipinas ang world record sa may pinakamalaking plate number sa buong mundo.

Batay ito sa post ng isang netizen sa Reddit, kung saan ipinakita nito ang “actual size plate” na balak ipatupad na “Motorcycle Crime Prevention Act” para umano labanan ang krimen.

Dahil dito isang netizen ang napamura kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Richard Gordon.

“The Philippines now holds the world record for the largest plate in a motorcycle. Thank you, Dick Gordon. Thank you din Pduts, parang di ka nagmomotor kingina,” sabi ng netizen.

Noong Biyernes nilagdaan ni Pangulong Duterte ang panukala na gawing mas malaki ang plaka para sa mga motorsiklo habang si Senador Gordon naman ang nagpanukala nito para umano mas madaling madetermina ng mga awtoridad ang mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?