72

By

Duterte: Gobyerno naglaan ng P3B para sa konstruksyon ng mga kulungan

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglaan ang gobyerno ng P3 bilyon para madagdagan ang mga kulungan sa bansa at maiwasan na ang jail congestion o pagsisiksikan ng mga preso.

Sinabi ito ng Pangulo sa pagdalo niya sa “Araw ng Pasasalamat” para sa mga OFW sa Camp Aguinaldo nitong Biyernes.

Pinaalalahanan din nito ang Bureau of Jail Management and Penology personnel na gawin ang tungkulin ng mga ito batay sa batas at hindi niya pababayaan ang mga ito.

Maliban sa pagtutok sa mga kulungan sa bansa, plano rin niyang gawan ng paraan ang pagpapalakas sa agriculture.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?