253
Duterte: Gilas walang panalo sa Croatia, Italy, pusta tayo sa China
Aug 6, 2019 @ 22:35
By

Duterte: Gilas walang panalo sa Croatia, Italy, pusta tayo sa China

Manonood umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa China.

Sakto umano ito sa kanyang pagbisita sa China kaya sasamantalahin na niya ang pagkakataon para makapanood ng laro ng Gilas.

Pero pabirong sinabi ng Pangulo na malalaki ang mga Italyano kumpara sa Gilas kaya walang laban ang koponan ng bansa maging sa Croatia kaya sa China na lang aniya pumusta ang mga Pilipino.

May tsansa naman aniyang manalo ang Gilas sa Angola.

“May basketball ngayon eh. World FIBA… Ang problema ang unang kalaban natin Italy. Wala. Ang sunod — ah wala talo tayo sa Croatia. Wala — walang laban. China na lang tayo magpusta. Wala. Ay sus. Pakorni ka pa. Wala talaga tayo. We will lose dito sa Italian, ang lalaki kaya ng mga g*g*ng ‘yan. Ang sunod natin Angola, ah ito puwede nating ilibing nang buhay,” anang Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?