481

Jun 27, 2019 @ 17:53
By

Duterte gagayahin sina Erap, Marcos kaysa magkudeta

Hindi magdadalawang-isip na bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kung ayaw na sa kanya at sa tingin ng mga tao ay hindi na siya kailangan.

Sinabi ng Pangulo na handa siyang umalis sa poder kung ayaw na sa kanya at hindi na kailangan pang magkudeta ang mga sundalo.

Ayaw aniya nitong magkasakitan pa ang mga sundalo kaya sabihan na lamang siya at kusa siyang bababa sa puwesto o kaya ay magreretiro na lang nang maaga.

Sinabi ng Pangulo na tama lamang ang ginawa nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Joseph Estrada na bumaba na lang sa kapangyarihan sa halip na magsakripisyo ng buhay ng mga kawal.

“Ako, if I’m no longer needed or if I — kung ang tingin ninyo mas may mahusay pa sa akin? Go ahead. Let me know. We dispense with this dramatic sa mga tangke, tangke de giyera. Lumang tugtugin na ‘yan,” sabi ng Pangulo.

“Just let me know. I don’t want you to fight with your fellow soldiers and policemen kagaya ng ibang Presidente. Erap did it. Marcos did it. Tama ‘yon. Walang lider magsabi na mag-counter attack. G*** ‘yon. Tama ‘yung ginawa nila. Bumaba sila,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?