77

By

Duterte gagawing 60 ang retirement age ng mga pulis, sundalo

Sharing is caring!

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing 60 years old ang mandatory retirement age para sa mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) .

Sinabi ng Pangulo na masyadong maaga ang edad na 56 para magretiro dahil malakas pa at produktibo pa ang mga ito.

Lugi aniya ang gobyerno sa maagang pagreretiro ng AFP at PNP personnel at dahil maaaring ilagay ang mga ito sa opisina hanggang sa maabot ang edad na 60.

Bukod dito, maraming mga pulis at sundalong maaaring mapakinabangan ang mga expertise kaya ang iba ay binibigyan niya ng puwesto sa gobyerno kapag nagretiro dahil hindi pa naman maaaring ihanay ang mga ito na mga senior citizens.

“Lahat nang nag-retire, either sa pulis or sa army, sinasalo ko, to give more productive years to their lives. Alam mo kasi ‘yung 56 years old masyadong maaga ‘yan. ‘Wag lang kayong magalit pero lugi ang gobyerno diyan. Actually, ‘yung 56 mag-retire? Dapat mga 60. Tutal may bago namang pumapasok eh. ‘Pag magre-retire naman, malapit na ‘yan, in a matter of 56, 57, 58. We can make it even sa 58, medyo ano na, light duties na lang,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

Maraming nga retiradong heneral mula sa PNP at AFP ang binigyan ng Pangulo ng puwesto sa gobyerno at pinakahuli dito ay si retired AFP chief Eduardo Anio na itinalaga bilang Undersecretary ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?