1,079
Duterte: Florin Hilbay, bugok!
Mar 17, 2019 @ 11:57
By

Duterte: Florin Hilbay, bugok!

Hindi umano na-impress si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagiging solicitor general ni senatorial candidate Florin Hilbay sa loob ng dalawang taon sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Natalo umano ang pamahalaan sa maraming kaso noong si Hilbay pa ang SolGen mula 2014 hanggang 2016.

Tinawag ng Pangulo na bugok si Hilbay.

“Ito si Hilbay? Palaging talo tayo sa gobyerno, solicitor general, akala mo, bugok,” saad ni Duterte.

Dagdag pa ng Pangulo, si Hilbay at De Lima ay bigong pabagsakin siya sa mga ibinibintang ng mga ito sa kaniya kaugnay sa di umanong Davao Death Squad killings noong siya ay mayor pa ng Davao.

“Alam mo sinasabi ko bugok ‘yan sila lahat. They were threatening me with ICC (International Criminal Court). Ako alam ko na. Noong unang investigation ni De Lima sa Davao — she was the chairman of the commission. She investigated me when she was the secretary of Justice. Then she investigated me when she was a senator and hanggang ngayon sige Duterte, Duterte,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?