58

Jan 8, 2022 @ 9:58
By

Duterte dusa sa swab test: Problema ‘yung ilong kasi ikut-ikutin pa!

Nagrereklamo na si Pangulong Rodrigo Duterte sa halos araw-araw na pangangalikot sa kanyang ilong at lalamunan para sa kanyang COVID test, lalo na kung mayroon itong mga lakad at aktibidad.

Sinabi ng Pangulo na simula mag-umpisa ang COVID pandemic ay puro dusa na ang dinaranas nito dahil sa panay-panay na COVID test sa kanya.

“Galing ako aa Davao hanggang ngayon, ang order ng doktor, kami diyan araw araw t****i**. It’s not really that hard. You do not have to suffer. Pero araw-araw na — iyong sa bunganga ‘ah’. .. Ang problema yung ilong kasi ikut-ikutin pa,” anang Pangulo.

Hndi aniya makalusot ang Pangulo sa COVID test dahil kahit nasa Davao ito ay nakaabang na sa kanya ang magpapatupad ng swab test.

Pabirong sinabi ng Pangulo na “multo” ang mga nangangasiwa ng swab test nito dahil nakasuot ang mga ito ng puti.

“Araw-araw… this has been going for kailan… pati sa Davao, susmaryosep, naghihintay na yung akala mo na parang multo doon sa likod. Kasi totoo naman eh, maski sino araw-arawin ka ba naman,” dagdag ng Pangulo.

Mahigpit ang Presidential Security Group (PSG) sa ipinatutupad na mga patakaran bago makalapit kay Pangulong Duterte dahil iniingatang malagay sa peligro ang kalusugan nito.

Lahat ng mga pumapasok sa Malacañang para makipagkita o makipagpulong sa Presidente ay kinakailangang dumaan sa mahigpit na security procedures ng PSG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?