115
isabelle
By

Duterte dumalo sa graduation ng apong si Isabelle

Sharing is caring!

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatapos ng kanyang apong si Isabelle Lovelie Duterte sa ginanap na graduation rites ng San Beda College, Alabang sa Philippine International Convention Center.

Si Isabelle ay apo ng Pangulo sa kanyang anak na si dating Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte at Lovelie Sangkola-Sumera.

Kabilang ito sa unang batch ng senior high school graduates ng San Beda Alabang at may academic track na Humanities and Social Sciences

Dumalo rin sa graduation ni Isabelle ang kanyang mga magulang sa graduation rites.

Bago matapos ang commencement excercises ay umakyat sa entablado si Pangulong Duterte at binati ang mga opisyal at staff ng San Beda College.

Ang Pangulo ay alumnus ng San Beda at pagkatapos ng seremonya kaninang umaga ay nagpaunlak ito ng selfie sa ilang mga nagtapos na estudyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?