322

By

Duterte dumalaw sa puntod ng ina sa Davao City

Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang ina nitong Lunes, Pebrero 4 ng gabi sa Davao Public and Roman Catholic Cemetery.

Kaugnay ito ng ika-pitong anibersaryo ng pagkamatay ni Gng. Soledad Roa Duterte na pumanaw noong 2012.

Pasado alas onse y medya ng gabi dumating ang Pangulo sa puntod ng ina kasama ang kanyang dating top aide na si Bong Go.

Malapit ang Presidente sa kanyang ina kumpara sa kanyang ama, batay sa kuwento nito sa kanyang mga talumpati.

Walang opisyal na schedule ang Presidente noong Lunes subalit may mga pakikipagpulong ito sa kanyang security officials bago dumalaw sa puntod ng ina.

Ipinatawag ng Pangulo sa Davao City si Defense Secretary Delfin Lorenzana pati na rin si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?