658

By

Duterte dumalaw sa burol ni Miguel Barretto

Pinasalamatan ni Claudine Barretto si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay nito ng huling respeto sa yumao nilang amang si Miguel.

Sa Instagram, shinare ni Claudine ang video ng pagdating ng Pangulo sa burol kasama si Senador Bong Go.

Pinasalamatan din niya si Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Maging ang pagdating ng kanyang ate Gretchen ay binahagi rin ni Claudine, na nakipagkamay sa Pangulo.

“Thank you Mr.President its an Honor to have u pay your Respects to my Dad.Godbless u Mr.President, Senator Bong Go & Atty.Panelo,” sabi ni Claudine sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?