77

By

Duterte, dumalaw sa burol ni ex-Natl Security Adviser Golez

Sharing is caring!

Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni dating Parañaque Representative at National Security Adviser Roilo Golez sa Heritage Park sa Taguig Huwebes ng madaling araw.

Dumating si Duterte kasama si Special Assistant to the President Bong Go 1:45 ng umaga.

Galing si Duterte sa Command Conference ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Malakanyang.

Sinalubong si Pangulo ni National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Pribado ang naging pagdalaw ni Pangulo sa burol ni Golez na tumagal ng dalawang oras.

Ang labi ng dating kongresista ay nakatakdang ilipat sa La Funeraria Paz sa Manila Memorial Park, Parañaque 11:00 ng umaga ng Huwebes para sa public viewing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?