217

Feb 6, 2019 @ 16:20
By

Duterte dumalaw sa burol ng misis ni Labor Usec. Paras

Personal na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng asawa ni Labor Undersecretary Jacinto Paras na si Olivia Paras sa Heritage Park, Taguig City hatinggabi ng Martes.

Pasado alas-12:00 na ng hatinggabi (Pebrero 5) dumating ang Pangulo sa burol kasama ang kanyang dating top aide na si Bong Go.

Ayon kay Paras, mula sa Cagayan de Oro City ay dumiretso ang Presidente sa Heritage Park para ipaabot ang pakikiramay sa pagpanaw ng kanyang asawa.

Dalawang oras aniyang nanatili ang Pangulo sa burol ni Ginang Paras at binilinan nito ang tatlong anak na mag-aral mabuti at pagbutihin ang trabaho.

Nauna rito ay dinalaw ni Pangulong Duterte ang burol ni Ginang Solana Canoy, asawa ni dating Cagayan de Oro City Mayor Reuben Canoy at pagkatapos nito ay dumiretso na ito sa Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?