75

Oct 31, 2017 @ 15:48

Duterte, dinumog muli sa Japan

Gaya ng dapat asahan ay dinumog ng mga Pinoy si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong pagkakataon na pagbisita sa Japan.

Matapos ang dinner ni Pangulong Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa unang  araw  ng kanyang  working visit ay  hindi naawat ng Japanese security ang Pangulo nang personal na puntahan ang mga Pilipinong naghihintay sa labas ng kanyang tinutuluyang hotel at kinamayan at binati ang mga ito.

Hindi magkamayaw ang mahigit  200 na Pinoy  na matagal na  nag-abang sa labas ng hotel sa Tokyo kaya’t nakiusap  ang  Presidente  sa  kanyang Japanese security na  batiin  kahit  saglit  ang  kanyang  mga  supporter.

“Naawa  ako, I cannot  disappoint…. my security…does not  want it , but I consider because  naawa  ako sa  mga  tao,” anang Pangulo.

Nagpahayag  naman  ng  patuloy  na  suporta  sa Duterte administration ang  iba’t  ibang  Filipino groups sa  Japan.

Matatandaang sa una at ikalawang  pagbisita ng Pangulo sa Japan ay  parehong dinumog ito ng maraming Pilipino at nagbantay  sa  harapan ng tinuluyang hotel kahit  hindi  maganda ang panahon. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?