32

Oct 7, 2021 @ 12:02
By

Duterte dinepensahan pagpunta sa tindahan ng relo

Binalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Dick Gordon matapos punahin ang pagpasok sa tindahan ng mga mamahaling relo sa Greenbelt shopping center sa Makati City noong October 1, 2021.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na hindi siya bumili ng relo bagkus ay binisita lamang ang kanyang dating girlfriend sa nabanggit na shop.

Kung gusto aniya nitong bumili ng relo ay kukunin niya sa kanyang ipon, subalit hindi kagaya ng mamahaling Rolex na suot ni Gordon ang bibilhin.

“Kung sakali gusto ko bumili talaga, pipilitin ko, I’lI have to get it from my savings,” anang Pangulo.

Kahit aniya punahin ni Gordon ang kanyang pagpasok sa shop ng mamahaling relo ay hindi mabubura ang katotohanang nadispalko ang senador ng P86 million pesos.

“Huwag mo kaming punahin na magpasok kami ng ano. Ano sa yo yun? Magbili ako ng Rolex gaya ng suot mo, would it erase your criminal liability of malversing P86 million?” dagdag ng Pangulo.

Nauna rito, pinuna ng Senador ang pagpunta ng Presidente sa Greenbelt Shopping Center sa Makati City pagkatapos samahan si Senador Bong Go na maghain ng kandidatura na aniya ay mas inuna pa ang pamimili umano ng mamahaling relo kaysa harapin ang paghihirap ng maraming Pilipino.

Sinabi ng Pangulo na naglibot lang siya sa lugar at binisita ang dating kasintahan at hindi bumili ng mamahaling relo na ang presyo ay halos nasa isang milyong piso. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?