96

Feb 26, 2021 @ 19:54
By

Duterte dineklarang may pasok ang Nov. 2, Dec. 24, Dec. 31

Binawasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga holiday sa Pilipinas upang tulungang makarekober ang ekonomiya ng bansa sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

Inamiyendahan ni Pangulong Duterte ang ilang pista opisyal na idineklara ngayong 2021.

Batay sa inilabas na dokumento ng Malacañang, magiging “special working days” ang dating “non-working days” na All Souls’ Day sa November 2, December 24 na Christmas Eve at December 31 na New Year’s Eve.

Ang mga inamiyendahang pista opisyal ay nakapaloob sa Proclamation Number 1107 na pinirmahan ni Pangulong Duterte ngayong Biyernes, February 26, 2021.

Binigyang-diin sa proklamasyon na nananatiling nasa state of calamity ang buong bansa dahil sa COVID pandemic kaya kailangang makabangon ang ekonomiya.

Sinabi ng Pangulo na may pangangailangang mailarga ang economic productivity kaya mayroong pasok sa mga nabanggit na petsa.

Mananatili namang regular holidays ang January 1 o New Year’s Day; Araw ng Kagitingan (April 9); Good Friday (April 2); Labor Day (May 1); Independence Day (June 12); National Heroes Day (August 30); Bonifacio Day (November 30); Christmas Day (Dec.25); at Rizal Day (December 30).

Mananatili namang special non-working day ang mga sumusunod: Chinese New Year (February 12); EDSA People Power Revolution (February 25); Ninoy Aquino Day (August 21); Black Saturday (April 3); All Saints Day (November 1) at Feast of Immaculate Concepcion (December 8).

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?