16

Jul 15, 2021 @ 18:40
By

Duterte dineklarang holiday ang July 20

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang July 20 bilang regular holiday sa pag-obserba sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Sa Eid’l Adha, pumapatay ang mga Muslim ng mga tupa, kambing, baka at camel upang gunitain ang pagsasakripisyo ni Prophet Ibrahim sa kanyang anak sa utos ni Allah.

Maliban sa Eid’l Fitr, kabilang ang Eid’l Adha sa mahalagang holiday sa Muslim calendar.

Ang Eid’l Fitr ay pagtatapos ng holy fasting month ng Ramadan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?