98

Dec 31, 2019 @ 17:24
By

Duterte ‘di tinatakot ang korte sa pag-isyu ng TRO sa Kaliwa Dam – Guevarra

Style lang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbanat sa mga korte sa pag-isyu ng temporary restraining order sa mga proyekto ng private firm kaya nade-delay umano ang ilang government project.

Kasama na rito ang Chinese funded na Kaliwa Dam.

Saad ni Justice Secretary Menardo Guevarra, may sapat na basehan ang Pangulo sa pakiusap sa korte na huwag pigilan ang mga government project.

Aniya, ang Republic Act 8975 ay nagbabawal sa mga lower court na nag-utos sa pagpigil sa mga government infrastracture project para hindi mapatagal ang pagtapos nito.

“That law is still in effect and rovides legal basis for the president’s recent statement on the Kaliwa and Wawa Dam projects,” saad ni Guevarra.

Matatandaan na nangako si Duterte na babayaran at bibigyan ng malilipatan ang mga maapektuhang residente para magawa ang Wawa at Kaliwa Dam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?