74

Apr 16, 2020 @ 16:24
By

Duterte ‘di sisibakin si Duque

‘Di pinakinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan ng mga senador at sinabing mananatili sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III.

“The President has made a decision for Health Secretary Duque to stay put,” ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea ngayong Huwebes.

Sa Senate P.S. Resolution No. 362 nanawagan si Senate President Tito Sotto III, kasama sina Senador Panfilo Lacson, Sonny Angara, Grace Poe, Ralph Recto, Miguel Zubiri, Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Lito Lapid, Bong Revilla, Nancy Binay, Imee Marcos, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Manny Pacquiao at Francis Tolentino na matanggal bilang Kalihim ng Kalusugan si Duque.

Sa pamumuno ni Duque, nagkaroon anila ng “lack of foresight, transparency, poor planning, delayed response at flip-flopping policy” ukol sa mga aksiyon sa COVID-19.

Giit naman ng mga netizen, ang dapat bumaba sa pwesto ay si Duterte dahil sa anila’y kapalpakan ng gobyerno na tumugon sa pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?