524

By

Duterte ‘di sinipot ang pulong sa ASEAN

Sharing is caring!

No show si Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN-Australia informal breakfast summit na bahagi ng mahalagang aktibidad sa ginaganap na 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Singapore.

Dahil dito, si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang kumatawan kay Duterte.

Ang ASEAN-Australia summit ang unang event sa ikalawang araw ng summit na susundan ng maraming pagpupulong maghapon.

Wala pang ibinibigay na paliwanag o pahayag si Presidential Spokesman Salvador Panelo kung bakit hindi nakadalo si Duterte sa unang pulong.

Hindi rin masabi ng kalihim kung talagang ayaw ng Pangulo ang Australia dahil kung matatandaan,hindi rin nito sinipot ang tatlong araw na ASEAN-Australia Special Summit noong Marso 2018 dahil aniya sa mga mahalagang bagay na dapat nitong asikasuhin sa bansa .

Si dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang ipinadala nito noon sa Sydney, Australia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?