164

Sep 29, 2018 @ 18:45
By

Duterte ‘di sangkot sa mga namamatay sa ‘war on drugs’ – PNP

Ipinagtanggol ng hepe ng pambansang pulisya si Pangulong Rodrigo Duterte at sinabi na wala itong kinalaman sa mahigit 4,000 napapatay sa mga police anti-drug operations.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde walang kinalaman si Pangulong Duterte sa pagpa-plano ng mga anti drug operations, na aniya ay ginagawa nila sa utos ng Punong Ehekutibo na paigtingin ang kampanya kontra droga.

“Those who were killed during the time of the President, most of them are common criminals and these are police operations,” ani Albayalde, sabay dagdag, “The President has nothing to do with these police operations because his only order is a relentless war against illegal drugs.”

Ang pahayag na ito ng Albayalde ay kaugnay sa sinabi ni Pangulong Duterte na ang tanging kasalanan niya ay sa extra-judicial killings o EJKs.

Sinabi pa ng opisyal na sinasamantala lang ng mga kritiko ng Pangulo ang naging pahayag nito para sa kanilang pansariling propaganda.

Base sa pinakahuling datos, umabot na sa 4,854 drug suspects ang napapatay at 155,193 naman ang naaresto simula noong maupo ang Pangulo noong July 2016.

Ngunit pag-amin ni Albayalde may mga ilang pulis na sangkot sa pagpatay sa mga drug personalities.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?