35

By

Duterte ‘di pwedeng kalabanin ang China dahil sa mga OFW

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya puwedeng makipag-away sa China dahil nasa halos 400,000 mga Filipino ang nagtatrabaho sa naturang bansa.

Sinabi ito ng Pangulo sa pagdalo niya sa “Araw ng Pasasalamat” para sa OFWs sa Camp Aguinaldo kung saan pinamamadali na rin niya ang pagtatatag sa Department of OFWs sa Disyembre.

“I must think of Filipinos everywhere… Kalma lang ako,” saad ng Presidente.

Dagdag pa niya, nagsusumikap ang gobyerno para mapahusay ang buhay at maprotektahan ang kapakanan ng mga OFW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?