57

Dec 20, 2017 @ 14:48
By

Duterte, ‘di lumambot sa CPP-NPA kahit may ceasefire – Koko

Hindi itinuturing ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na paglambot ang pag-uutos ni Pangulong Duterte sa militar na suspendihin ang opensiba laban sa mga rebeldeng komunista na kamakailan lamang ay idineklara nyang teroristang grupo.

Sa kaniyang pananaw, isinaalang-alang dito ng Pangulo ang diwa ng Kapaskuhan.

Idiniin na nasa pagpapasya naman ng Pangulo ang pag-uutos at pagpigil sa opensiba ng militar.

Maari aniya na anumang panahon ay iutos nito na manatili sa kanilang kampo ang mga sundalo sa halip na tumugis sa mga bandido, terorista, rebelde o anumang grupo.

Iniutos ng pangulo ang tigil-putukan laban sa Communist Party of the Philippines at New Peoples Army mula Disyembre 2 hanggang Enero 2.

Ipinatigil din ang usapang pangkapayapan kasama ng mga lider nito dahil sa mga pananambang, panununog at panggugulo ng NPA sa militar at mga sibilyan habang bumabanat din sa pangulo si CPP founding chairman Jose Maria Sison.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?