42

Sep 28, 2020 @ 15:31
By

Duterte ‘di interesadong pahabain termino – Roque

Ayon sa Palasyo, “hindi interesado” si Presidente Rodrigo Duterte na palawigin ang kanyang panunungkulan.

Todong binatikos kasi ng oposisyon at mga alyado ng administrasyon ang rekomendasiyon ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo na pag-isipang ipagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang Halalan 2022.

Ito umano ay dahil “natatakot ang mga botante na mahawa sa COVID-19.”

“The President is not interested in extending his term. And he leaves it to the Filipino people, the sovereign people, to decide if they want to amend the Constitution to postpone the elections,” ayon sa spokesperson ng Pangulo na si Harry Roque ngayong araw.

“It [elections postponement] can never be an option for Malacañang, unless the Constitution is amended,” aniya pa sa Palace press briefing.

Sa ilalim ng 1987 Philippine charter, dapat ikasa ang presidential at vice presidential elections tuwing ikalawang Lunes ng Mayo, kada 6 taon matapos ang Mayo 1992.

Una nang sinabi ni Comelec Chairman Sheriff Abas na wala sa plano nila ang pagsuspinde ng eleksiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?