27

Jul 21, 2021 @ 16:04
By

Duterte ‘di dapat mag-sorry kay Pacquiao – Roque

Wala umanong dapat ihingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Manny Pacquiao, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Wala pong dahilan para po mag-apologize. Lahat po iyan ay kabahagi ng free marketplace of ideas,” maikling pahayag ni Roque nitong Miyerkoles.

Ang pahayag ni Roque ay kaugnay ng sinabi ni Bacolod Rep. Monico Puentevella na dapat mag-sorry si Duterte kay Pacquiao dahil sa mga maaanghang na salita na binitiwan ng pangulo laban sa senador.

Bagamat magkaalyado sa partidong PDP-Laban ay nagkaroon ng lamat sa alyansa nina Duterte at Pacquiao, na siyang nagresulta rin sa paksyon sa loob ng partido.

Nitong Sabado ay tinanggal bilang party president si Pacquiao at pinalitan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Bago ito ay nagkaroon na rin ng bangayan sa panig nina Pacquiao at Duterte matapos ilantad ng senador ang mga ahensya ng pamahalaan na sangkot sa korapsyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?