35

Mar 10, 2020 @ 15:29
By

Duterte ‘di aalisin ang POGO: Kailangan natin ng pondo

Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang korapsyon sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

“Walang corruption diyan sa [POGO]. Wala kaming kinausap diyan except PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Coporation),” ani Duterte sa media interview sa Malacañang noong Marso 9 ng gabi.

Sa kabila ito ng mga siniwalat sa Senado tungkol sa talamak na iligal na aktibidad sa POGO industry kabilang na ang illegal recruitment at tax evasion.

Dagdag pa ng Presidente, hindi niya paaalisin ang mga POGO operation sa bansa dahil kailangan ng Pilipinas ang pondo at sayang naman aniya ang nakukuha ng bansa na kita sa POGO.

“I assure you that every centavo na kikitain diyan sa mga gaming supervised by PAGCOR are accounted for. Walang corruption diyan at hindi ako papayag. ‘Yung POGO earns about P2 billion a month. We are not justifying it. We are just saying that it is allowed because we need the funds… Sayang e, makatulong sa bayan,” giit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?