55

Sep 9, 2021 @ 17:29
By

Duterte: Debate tuwing eleksiyon, pera-pera lang

Pinagkakakitaan lamang umano ang mga debate sa panahon ng eleksiyon.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa national convention ng PDP Laban sa Pampanga nitong Miyerkules.

Sa kanyang pagharap sa mga opisyal at miyembro ng partido, ikinuwento ng Pangulo na dalawang minuto lamang ang ibinigay ng moderator ng debate sa mga kandidato para ilahad ang kanilang mga plataporma at mas marami ang commercials ng organizer.

Dahil dito, hindi aniya nito matiyak kung sasali pa sa mga sponsored debates dahil sa naging karanasan niya noong panahon ng kampanya sa pagka-pangulo.

“During the debate, I knew that — I do not think I’m ready to participate in debates sponsored by itong mga network. Pera-pera lang ‘yan. Kumikita ‘yan sila,” anang Pangulo.

Dahil limitado lamang ng dalawang minuto ang bawat kandidato, sinabi ng Pangulo na bullets na lamang ang ginawa nito sa mga gagawin para sa bansa.

“We were only given two minutes then one hour 30 to rebut the…anong masasabi mo? Kaya pag-umpisa pa lang, noong we were briefed of how long could we talk, bullet lang ako,” ang kuwento ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?