128

Jul 30, 2018 @ 18:44
By

Duterte dapat mauna sa drug test – Trillanes

Hinamon ni Senador Antonio Trillanes si Pangulong Rodrio Duterte at ang tanggapan nito na magpa-drug test.

Iginiit na ang namumuno sa war on drugs ang dapat na maunang magpatunay na hindi sila gumagamit ng ilegal na droga.

Sinabi ito ni Trillanes matapos niyang magpasailalim sa drug test sa Senado.

Sumailalim siya rito pati na sina Sen. Loren Legarda, Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Bam Aquino.

Pinakaunang nagpa-drug test kaninang umaga sina Senate President Vicente Sotto III at Sen. Gregorio Honasan.

Sinabi naman ni Zubiri sa bukod na panayam na dapat silang maging ehemplo sa pagpapa-drug test at makabubuting sundan ito ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Sumabay ang mga senador sa mandatory random drug testing ngayong para sa mga piling empleyado ng gobyerno batay sa direktiba ng Civil Service Comission.

Mula sa 1,698 na mga kawani ng Senado, 419 ang napili na sumailalim dito.

Sumipot ang 350 empleyado habang 68 ang hindi nakarating at pagpapaliwanagin kung bakit hindi sumipot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?