48

Sep 11, 2021 @ 17:01
By

Duterte dahilan ng state of calamity – de Lima

Nitong Biyernes ay muling pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang Setyembre 12, 2022 ang state of calamity sa buong bansa, bagay na hindi nakaligtas sa komento ni Senadora Leila de Lima.

Bagamat ang patuloy na pagtaas ng COVID cases ang dahilan ng pagpapalawig ni Duterte sa state of calamity, iba ang nakikitang dahilan ni de Lima para magkaroon ng state of calamity sa bansa.

Sa kanyang tweet ngayong Sabado, sinabi ng senador na mananatili ang bansa sa state of calamity hangga’t si Duterte ang pangulo.

“Duterte extends state of calamity for another year. We already know we are in a state of calamity as long as he is President,” wika ni de Lima.

Unang idineklara ng pamahalaan ang state of calamity noong Marso 2020 bunsod ng pagpasok ng COVID pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?