21

Jul 16, 2021 @ 11:53
By

Duterte dadalo sa leader’s retreat ng APEC

Nakatakdang daluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2021 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC)  Informal Leader’s Retreat na itinakda ngayong Biyernes ng gabi.

Batay sa inilabas na abiso ng Malacañang, ang pulong ay dadaluhan ng Pangulo sa pamamagitan ng video conference.

Magiging tampok sa pulong ng state leaders ang epekto ng COVID pandemic at kung paano mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya.

“The President will join his APEC counterparts in a high-level discussion on mitigating the impact of the COVID-19 pandemic and opportunities for collaboration  to accelerate economic recovery,” anang statement ng Malacañang.

Inaasahang magsasalita sa high-level meeting ang mga opisyal ng International Monetary Fund (IMF) at World Health Organization (WHO) para bigyan ng puntos ang mga lider ng bansa sa pagtugon sa pandemya sa aspeto ng ekonomiya at kalusugan.

Ang APEC ay mayroong 21 isang miyembrong bansa kabilang na ang Pilipinas.

Ang pulong ay pamumunuan ng New Zealand na siyang natoka ngayong 2021 bilang host country ng APEC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?