16
duterte-1
By

Duterte dadalo sa anibersaryo ng Marawi Siege

Sharing is caring!

Muling bibiyahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City para sa unang anibersaryo ng Marawi siege na nag-iwan ng malaking pinsala sa lungsod.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may plano para gunitain ang naging mga kaganapan sa lungsod noong nakalipas na taon na nagdulot ng malaking pinsala sa buhay at ari-arian ng mga taga-Marawi at pagkamatay ng mga pulis at sundalo at mga sibilyan.

Inaasahan aniya na magbibigay ng mensahe si Pangulong Duterte at titiyakin sa mga mamamayan ng Marawi City na isusulong ang pagbangon ng lungsod.

“Ang pagkakaalam ko po, pareho kaming pupunta. Pero may mga plano na po na nandoon kami sa komemorasyon at—so magkakaroon po talaga ng mensahe ‘no,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na kuntento naman ang Pangulo sa ginagawa ng Task Force Bangon Marawi dahil 70% na ang mga residenteng nakabalik sa lungsod, at marami na ang nabigyan ng permanent at temporary housing.

“Ang mabuting balita po is as far as the residents are concerned eh 70 percent of the residents have gone back ‘no to their homes. We have provided temporary or permanent homes to 70 percent of them; so iyan po ay in a year’s time ‘no. We are even ahead of schedule pagdating po doon sa mga rebuilding of the communities. Of course iyong most affected area po eh sisimulan pa lamang, siyempre po gaya ng maraming mga taga Marawi eh naiinip na rin tayo ‘no pero kinakailangan po talagang dumaan sa proseso iyang rebuilding ng ground zero,” dagdag pa ni Roque.

Matatandaang May 23 2017 nang pumutok ang giyera sa Marawi City makaraang pasukin ng Maute-ISIS group ang lungsod at kinubkob ang lugar.

Kasalukuyang nasa Russia noon ang Pangulo at agad bumalik sa Pilipinas para pangasiwaan ang paglaban sa mga terorista na napagtagumpayan ng gobyerno makalipas ang limang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?