404

By

Duterte: China, Russia may respeto sa soberanya ng PH

Kaya umano malapit ang loob ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China at Russia ay dahil may respeto ang dalawang bansa sa soberanya ng Pilipinas hindi tulad ng Amerika.

Aniya sa interview ng Russian government-funded network RT, hindi lang naman daw Pilipinas ang hindi nirerespeto ng US ang soberanya kundi ang soberanya ng iba pang bansa.

“Because America continues to look at us as a vassal state because we were under the Americans for 50 years and they lived off the fat of the land before we got our independence. So if I cannot get a credible posture from the Americans, I can get it from the Russians and the Chinese government. It’s because they respect the sovereignty of the country which America is totally lacking. It’s not only the Philippines, but it’s all over the world. They do not respect sovereignty,” paliwanag ng Pangulo.

Naungkat din ang travel ban ng mga US senator sa mga opisyal ng Pilipinas na may kinalaman umano sa pagkakakulong ni Senadora Leila de Lima kung saan binuweltahan ito ni Pangulong Duterte.

“The United States says that with the sanctions they would not allow the entry of any official connected with the prosecution of Secretary De Lima. I counter that if you do that, I will not allow the Americans to enter the Philippines without a visa,” pahayag ng punong ehekutibo.

Dapat na matuto umano ang Amerika dahil tingin nito ay mahina ang Pilipinas.

“It should be the US who should learn the lesson from us. Because they think that you are a backward country, that we are in vulnerable times, that we are incapable of dispensing justice,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?